Parang nakalimutan ko na yata kung paano ipagdiwang ang Pasko.
Naaalala ko noong bata ako, nangangati na akong magkabit ng Christmas tree pagsapit ng October 31. Hindi ko alam kung bakit, pero nakugalian lang siguro naming gawin 'yun sa Halloween mismo. September pa nga lang yata, pinatutugtog na ni Mama ang kanyang various artists CD na puro Christmas songs. Gustung-gusto ko rin ang pakiramdam ng Christmas rush--yung tipong sasama ako sa last minute grocery at gift-buying mga isang araw bago magbisperas. Sobrang sayang abangan ang Pasko dahil sa maraming regalo, maraming pagkain at maraming panahon para maglaro kaming magpipinsan. Kung tama ang pagkaalala ko, 1997 ang paborito kong grade school Christmas, halos kumpleto kasi kami at parang napaghandaan talaga 'yun.
Pagdating naman ng high school, hindi na gaanong uso ang pagpapatugtog ni Mama ng Christmas songs sa bahay. Hindi na rin ako gaanong ka-atat magkabit ng Christmas tree (pero medyo naeexcite pa rin naman ako 'pag sembreak na hehe). Hindi ko alam pero sobrang inaabangan ko ang gift-giving sa high school classmates. Ang sayang gumawa ng gift list, magbudget ng pera (na mula naman sa mga magulang ko haha) at magbalot ng mga regalo (na sa totoo si mama o yung maid namin ang nagbabalot). Inaabangan ko talaga noon ang taunang pagpunta namin sa Greenhills para mamili ng regalo at mga luho ko (chengke lang). Siyempre, masaya rin makatanggap ng maraming regalo mula sa HALOS LAHAT ng kaklase. For some reason, galante ako nung high school at parang galante rin naman ang maraming tao. Hindi ko rin alam, natutuwa rin ako sa Christmas parties sa school na ang bababaw naman. Nung first year, sa field yung party tapos yun ang panahon na in love si Bettina kay Sir Overio kaya nagregalo siya ng TAZ DEVIL (PAKALUMA) na necktie at inabot niya sa may I-7 classroom. Nung second year, sa SportsCom yung party tapos may contest na gagawa ng human Christmas tree. Bilang ako ito, ako yung human Christmas tree ng II-5 wahahaha!! Hindi ako nanalo pero kebs!!! May kris kringle na rin yata nung time na ito yung Ocho kasi nga first Christmas namin together. CHAKA. haha. Nung third year naman, sa sportscom+field yung party. Class president ako nun, so may effect ng jitters kuno kasi ang daming preparations. May human Christmas tree making na naman at si INES DE GUZMAN (homeroom adviser) ang aming pambato. Talo kami, PERO KEBS. bwahahaha. Dramachine CD pa + Cadbury top deck (whatever happened to?) ang regalo sa akin ng mommy ko sa kris kringle. Feeling ko lang talaga, ito ang best Christmas ng buhay ko para sa maraming maraming maraming mga rason--at hanggang ngayon malinaw pa rin sa akin kung ano ang mga iyon. :) Nung fourth year, medyo waley-waley na, una kasi hindi hanggang gabi yung party, hanggang 5PM lang yata? Eh dati siguro 8 (oo cool na ang 8PM dati kasi nga HS pa lang yun!). Dito nagsimula ang hindi-ko-feel-na-Pasko-na mode ko. Malungkot kasi mag-isa. Pagod kasi maraming ginagawa. Walang gana kasi lahat din walang gana. At kung babalikan ko, ito ang tanging taon sa hayskul na hindi ako namigay ng regalo sa mga tao, except sa baby ko, na hindi ko na maalala kung sino. OVER. Naaalala ko kasi ang mommies at babies ko para sa 1st-3rd yr hs haha. WALEY NG 4TH YEAR, di ko alam kung bakit. Pero 'yun, yun din ang panahong nakasakay ako sa passenger seat ni Sir Rady dahil hinatid niya kami sa Pizza Hut. Take note, bawal sumakay sa kotse ng teacher (lalo na lalaki) nung high school. GRABEH. Haha.
At ngayong college, pabawas nang pabawas ang excitement ko para sa papalapit na araw. Hindi ko alam kung bakit. Unbridled restlessness lang ba ito? Chaka ko naman. Pero bakit maraming tao talaga ang nagsasabi? Sa totoo lang, WALA na yata talagang excitement ang natira sa akin. Kanina pinag-uusapan namin ng mga kaibigan ko ang mga dahilan ng pagiging Scrooge namin. Para sa akin, 50% goes to Pan Delicioso (hello????? bazaar every weekend, what is Christmas break?), 10% goes to other schoolwork other than PanDe (i.e. Theo orals, CSI paper and report), 20% goes to ENTA work (Promo and Theatricals, chaka waley) and 20% goes to my indifference. Sabi nga ng isang kaibigan "ang bigat ng 20% na galing sa sarili" at oo, mabigat nga. Gustuhin ko man, parang hindi ko tlaaga maparaanan. Pero promise, gusto ko talaga ulit maramdaman.
May isang linggo pa bago ang araw na yun mismo, sana kahit papaano maramdaman ko. Sana. :)